Filipino - Philippino

Welcome sa Aviagen

Taas noo na ipinagmamalaki ng Aviagen® ang mangunguna sa larangan ng pagpapabuti sa lahi ng manok, pangunguna sa pananaliksik at pandaigdigang pagbabago. Ang aming dedikasyon para maging mas mahusay pa ay makikita sa pamamagitan ng aming mga broiler breeder brands – Arbor Acres®, Indian River®, at Ross® – na nakakuha ng malawakang pagkilala at paggalang sa loob ng industriya sa pagmamanokan. Sa pamamagitan ng napatunayang tagumpay sa mga napakaraming gumagamit ng aming produkto sa boung mundo, ipinagmamalaki namin ang pagsupply ng mga sisiw mula sa grandparent (GP) at parent stock (PS) sa mahigit 100 bansa sa buong mundo. Samahan ninyo kami sa aming paglalakbay upang patuloy na abutin ang hangganan sa kahusayan sa pagpaparami at pag aalaga ng manok.

Nag-aalok din ang Aviagen ng specialty breeding stock na naglalayong bigyan ang mga konsumanti ng kalayaan sa kanilang pagpili ng produkto at upang matugunan ang mga tiyak na kailangan sa merkado. Ang tatak na Rowan Range® ay mga espesyal na klase ng manok, na may ibat ibang klase ng kulay depende sa pagpili ng lalaki, ay magagamit sa mga piling rehiyon at nakakatugon sa mga pangangailangan ng mga napiling angkop na lugar o sa mga umuusbong na merkado, kabilang ang mas mabagal na paglaki, free range, at mga organikong segment. Ang Specialty Male® portfolio ay isang lahi ng mga lalaki na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga customer na naghahanap ng mga partikular na katangian ng performance sa kanilang breeding stock, kabilang ang mataas na makukuhang karne mula sa dibdib, kakayahang umangkop sa mga lugar na may mas mataas na temperatura o magandang produksyon gaya ng FCR at hatch.

Ang matagumpay at maayos na programa ng pagpili ng genetiko ng Aviagen ay patuloy na nagtataguyod sa pagpapabuti sa katatagan at pangkalahatang kalusugan habang binibigyan ang mga manok ng pinakamataas na kalidad at antas ng mga pamantayan sa pagaalaga.

Ang mga tatak ng Arbor Acres, Indian River at Ross ay makikita sa iyong rehiyon. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Aviagen corporate web site.


Aviagen product brands logos


Library ng mga Impormasyon

Ang aming library ng impormasyon ay naglalaman ng materyal na binuo ng Aviagen upang matulungan ang aming mga customer na mapalago at kumita ang kani-kanilang operasyon sa pamamagitan ng magandang pagaalaga sa kanilang mga manokan.

Gamitin ang search module sa paghahanap ng impormasyon sa library. Para paiksiin ang paghahanap, e drop down ang menu sa module.

Ang mga dokumento sa loob ng library ay makukuha sa Ingles at may mga mahahalagang dokumento din na makukuha at nakasalin na sa Tagalog. Upang i-download ang pdf, i-click lamang ang pamagat. Gamitin ang tool sa paghahanap ng Information Library upang mahanap ang mga dokumento sa Filipino at English.

 

Makipag-ugnayan sa Amin

Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa rehiyon.

Aviagen Asia Pacific Ltd.
Telepono: +662 164 2574
Address: Bangkok, Thailand
Email: info@aviagen.com
Media: mediainquiries@aviagen.com

Hanapin ang Impormasyon sa Library